MISTULANG lantang gulay si WBA No. 8 super featherweight contender Recky “The Terror” Dulay ng Pilipinas sa kanyang ikatlong laban sa United States nang dalawang beses mapabagsak sa 1st round ni dating WBA International junior lightweight champion Dardan Zenunaj ng Albania sa House of Blues sa Boston, Massachusetts kamakalawa ng gabi.

“Super featherweight Dardan Zenunaj (14-3, 11 KOs) crushed Recky Dulay (10-3, 7 KOs) in three rounds,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Zenunaj dropped Dulay twice in round one, and the bout was stopped after Zenunaj scored another knockdown in round three. Time was 1:50.”

Nagpasiklab si Dulay sa kanyang huling laban nang palasapin ng unang pagkatalo via 3rd round knockout si WBA Fedelatin super featherweight champion Jaime Arboleda ng Panama noong nakaraang Hulyo 15 sa Forum, Inglewood, California kaya kinuha siya bilang boksingero ni Golden Boy Promotions big boss Oscar dela Hoya at nakapasok sa WBA rankings.

Naglaho ang pangarap ni Dulay na magka-rematch sa unang tumalo sa kanya sa US noong nakaraang taon na si Gervonta Davis na nagpatigil sa kanya sa 1st round sa Las Vegas, Nevada bago ito naging IBF super featherweight titlist. - Gilbert Espena

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!