Mga laro ngayon (Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- FEU vs San Beda (men’s)

10 n.u. NU vs St. Benilde (men’s)

4 n.u. -- Lyceum vs FEU (women’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:30 n.g. -- San Beda vs Adamson (women’s)

NILIMITAHAN ng Arellano University sa tatlong puntos ang University of the Philippines sa fifth set upang maitakas ang dikitang laban sa 22-25, 25-10, 25-19, 32-34, 15-3 desisyon at angkinin ang ikalawang semifinal berth sa Group B ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference nitong Sabado sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Bumalikwas ang Lady Chiefs mula sa dikit na pagkabigo sa fourth set nang dominahin ang final frame kasunod ng pagkawala ng isa sa mga pangunahing hitters ng Lady Maroons na si Justine Dorog na nagtamo ng injury sa tuhod sa fourth set.

Dahil sa panalo, sinamahan ng Arellano sa semifinals ang Adamson taglay ang parehong 4-1 karta.

Isinara naman ng Lady Maroons ang kanilang kampanya na may 3-2 marka.

“We actually had a good preparation against UP. We made some adjustments after that loss to Adamson,” pahayag ni Arellano coach Obet Javier na nakakuha ng 26 hits mula kayJovielyn Prado at 25-puntos naman mula kay Regine Arocha.

Nauwi naman sa wala ang game high 29-puntos ni Diana Carlos na sinundan ng 20-puntos ni Isa Molde dahil bigo silang ipanalo ang UP.

Samantala sa huling Laro, ganap na winalis ng National University ang kanilang elimination round assignments sa pamamagitan ng 25-21, 13-25, 25-19,25-22 paggapi sa Ateneo upang maangkin ang unang semifinals slot sa Group A.

Dahil sa kabiguan, natapos ang elimination round campaign ng Lady Eagles sa markang 3-2 at posibleng mapatalsik sa kontensiyon kapag nanalo ang Far Eastern University (3-1) kontra Lyceum sa pagtatapos ng eliminations. - Marivic Awitan