Ni: Alexandria Dennise San Juan

Naging kalunus-lunos ang normal na kuwentuhan ng mag-asawa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado ang isang lalaki na kasama ang kanyang misis sa tapat ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City, nitong Biyernes ng hatinggabi.

Kinilala ng Novaliches Police Station (PS-4) ang nasawing biktima na si Mateo Carpio, 34, pedicab driver, na nagtamo ng mga bala sa katawan.

Ayon kay Rilen, misis ng biktima, nagkukuwentuhan sila ng kanyang mister sa tapat ng kanilang bahay sa Villareal Street Barangay Gulod, dakong 12:10 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sumulpot ang apat na lalaki na pawang nakasuot ng helmet at facemask at sakay sa dalawang motorsiklo.

Isa sa apat na suspek, ayon kay Rilen, ang bumunot ng baril at paulit-ulit pinaputukan ang biktima bago tuluyang tumakas.

Agad isinugod si Carpio sa pinakamalapit na ospital kung saan siya ideneklarang dead on arrival habang ligtas naman ang kanyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.