WALANG gurlis ang defending three-time champion De La Salle at University of Santo Tomas sa women’s contests, habang tatlong koponan ang magkasosyo sa maagang liderato sa men’s division sa table tennis event ng UAAP Season 80 sa UP CHK Gym.

Ginapi ng Lady Archers ang Far Eastern University, 3-1, gayundin ang University of the Philippines, 3-0, Adamson University, 3-0, at National University, 3-1.

Hindi naman nagpahuli ang Tigresses, last year’s runner-up, nang pabagsakin ang Tamaraws, 3-1, Lady Maroons, 3-1, Lady Bulldogs, 3-0, at Lady Warriors, 3-0.

Sa men’s division, nangunguna ang titleholder UST, NU at Adamson University tangan ang parehong 3-1 karta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nabigo ang Growling Tigers sa opening day kontra Bulldogs, 0-3, bago bumawi laban sa UE, 3-0, UP, 3-0, at Tamaraws, 3-1.

Nanalasa naman ang NU kontra UST, 3-1, De La Salle, 3-2, at Ateneo, 3-1, matapos mabigo sa Falcons, 2-3.

Nanaig ang Adamson University, seventh place sa nakalipas na season, sa Green Archers, 3-1, Bulldogs, 3-2, at FEU, 3-0, ngunit olats ang Falcons sa Fighting Maroons, 0-3.

Balik aksiyon ngayon smula 8:00 ng umaga bagi lumipat sa Diliman kinahapunan.