Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Star vs NLEX

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:45 n.g. -- Meralco vs San Miguel Beer

MAKATIYAK ng kanilang puwesto sa Final Four at bentahe na twice-to-beat sa playoff round ang tatangkain ng Meralco at San Miguel Beer sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ngayong hapon sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Magkasalo pa sa liderato ang Bolts at Barangay Ginebra Kings, na may laro kahapon kontra TNT Katropa sa barahang 8-2.

Magkakatabla naman na may barahang 7-3 ang San Miguel Beer, TNT at NLEX na sasabak naman sa unang laro ngayong hapon kontra Star Hotshots.

Sakaling magkaroon ng pagtatabla sa pagtatapos ng eliminations para sa top four slots hanggang sa 7th spot, lahat ay reresolbahin sa pagsuma ng quotients para sa Final placings.

Kung magwawagi ang Hotshots, bababa ang NLEX sa no. 5 spot at aangat ang Beermen at Katropa sa no. 3 at 4 spots.

Pero kahit magtabla tabla silang muli ng TNT at SMB, lamang pa rin sa quotient ang dalawa.

Sa playoffs na inaasahang magsisimula sa Miyerkules, kailangang talunin ng dalawang beses ng mga koponang nasa 5th hanggang 8th spots ang mga koponang kanilang makakatapat.