Ni ADOR SALUTA

HINDI na mapigilan ang tagumpay na tinatamasa ni Joshua Garcia. Pagkatapos isabak sa ilang teleserye sa ABS-CBN at sa hit movies niyang Vince, Kath & James at Love You to the Stars and Back, up, up and away na ang career ng 19 years old na bagets from Batangas.

JOSHUA AT MYLENE copy

Sa special preview ng The Good Son ng Dos, umani nang husto ng papuri ang performance ni Joshua pati na si Mylene Dizon na gumaganap bilang kanyang ina.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang nakakatuwa sa young actor, lagi pa ring pamilya ang pinag-aalayan niya ng kanyang achievements. Lagi niyang iniisip ang kapakanan at kalagayan ng mga ito simula pa lamang nang pumasok siya sa PBB house noong nasa Batangas pa ang mga ito hanggang ngayon.

Sa presscon ng bagong serye na mapapanood na simula Lunes, Setyembre 25, inilahad ni Joshua na nais niyang itira sa kanyang dream house ang pamilya niya.

“Gusto kong bumili ng bahay, nagtitingin na ako kasi siyempre gusto ko komportable ang pamilya ko. May mga ilan akong nakita, sisilipin ko bukas. May sisilipin ako, hayun, sana magustuhan nila,” kuwento ng aktor.

Nasa Manila na ang kanyang pamilya, naninirahan sa isang apartment.

“Nakuha ko na sila (galing Batangas) kaya lang nasa apartment kami. Hindi ganon kakomportable. Gusto ko komportable lang sila, relax lang sila,” aniya.

Bilang baguhan pero mahusay na artista, malaki ang kontribusyon niya sa success ng Vince, Kath & James at Love You To The Stars and Back. Ayon sa Star Cinema, ang una ay lumampas ng P100M ang box office take samantalang as of September 17 ay kumita naman ng 120M ang huli.

“Hindi namin in-expect, kasi akala namin nga target namin 80 million lang and ‘di namin in-expect na mas tumaas pa do’n,” sabi ni Joshua. “Masaya ako na maraming nagtiwala sa pelikula namin, maraming nagmahal sa pelikula namin at masaya ako para kay Direk (Antoinette Jadaone) actually at para sa amin ni Julia (Barretto).”

Naitanong kay Joshua kung sino ang kanyang ka-date sa nalalapit na Star Magic Ball on September 30 sa Makati Shangri-La. Sila nga ba ni Julia ang rarampa sa red carpet?

“Actually, hindi ko pa siya nai-invite. Ang balita pa lang sa akin sa Star Magic Ball ay gawa na ang suit ko. Fini-fit na lang namin, kung may kaunting adjustment. Sa ngayon, si Julia hindi ko pa siya natatanong pero hopefully sana matanong ko na siya,” pagtatapos ng young actor.