Ni: Nitz Miralles

MAY bagong handog sina Heart Evangelista atAlexander Lee sa mga sumusubaybay sa series nilang My Korean Jagiya. May version sila ng theme song ng kanilang series at pinatugtog na ito sa episode ng show nang ikasal ang mga karakter nilang sina Gia (Heart) at Jun Ho (Alexander).

Alexander1 copy

Nag-post ng picture si Heart noong nag-recording siya ng theme song at ang sabi, “After so many years, I’m back in the studio! Recording this song for #MyKoreanJagiya is so special to me.”

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Nakakadagdag kilig sa televiewers na habang pinapanood ang My Korean Jagiya, ang boses nina Heart at Alexander ang naririnig na kumakanta. Ginawan ng Korean/Tagalog/English versions ng theme song na original nina Janno Gibbs at Denise Barbacena.

Samantala, nag-enjoy si Alexander sa mall show nila nina Heart at Edgar Allan Guzman sa Naga City na umaabot sa 20,000 ang dumating para manood sa kanila.

Dumiretso ang tatlo sa Sorsogon at sa bahay nina Sen. Chiz Escudero nag-stay. Sa interview sa kanya, binanggit ni Alexander ang food na inihain ng mga Escudero sa kanila. 

“The seafood, ang sarap! Also, the Bicol Express,” sabi ni Alexander na parang sarap na sarap sa sikat na maanghang na lutuing Bicol.