Ni: Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Hinoldap ng umano’y miyembro ng “Tutok Gang” ang Linking Bridging Customer (LBC) sa Mariposa Building, F. Tanedo Street, Barangay San Nicolas, Tarlac City, Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, 7:20 ng umaga nang pinasok ng suspek ang naturang establisimyento at tinutukan umano ng baril ang cashier na si Kristel Joy Pasion, 20, dalaga, ng Bgy. Matayungcab, Gerona, Tarlac.

Mahigit sa P11,000 ang nakulimbat ng kawatan bukod pa sa perang laman ng safety vault na hindi pa tukoy ang halaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.