MAKIKISAYA ang GMA Network sa pagdiriwang ngayong taon ng Peñafrancia Festival sa pagdalo ng lead stars ng My Korean Jagiya sa Naga City ngayong araw.

Alexander Lee and Heart Evangelista copy

Pangungunahan ng tinagurang Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista-Escudero, gumaganap bilang si Guadalupe Immaculada Asuncion o Gia sa serye, ang Kapuso Mall Show sa SM City Naga simula alas-6:00 ng hapon.

Tiyak din na ikakatuwa rin ng mga Bicolano ang pagdating ng leading man ni Heart, ang newest Kapuso oppa na si Alexander Lee, na gumaganap naman bilang Kim Jun Ho sa serye. Patitingkarin din ang kilig ng kanilang fans ng nagbabalik na Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kinagigiliwan ng mga manonood ang first-ever Filipino-Korean romantic comedy series na My Korean Jagiya dahil sa unique storyline at ng scene-stealing performances gabi-gabi ng mga bituin nito.

 

“GMA Network is one with the Kapusong Bicolanos as they welcome not only locals but pilgrims and tourists alike in paying homage to Our Lady of Peñafrancia,” wika ni Oliver Amoroso, Vice President at Head of Regional TV Department ng GMA Network.