Ang ikalawang eliminasyon ng ginaganap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ay papagitna simula ika-11 ng umaga ngayon sa Newport Performing Arts Theatre Resorts World Manila (RWM) tampok ang ikalawang grupo ng 110 kalahok.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum and Resorts World Manila.

Maghaharap ngayon araw sina three-time world champions Dicky Lim & Rey Briones, Pitmasters1 winner Joey & Buboy delos Santos, Mayor Nene Aguilar, Marcu del Rosario, Kano & James Raya, Boy Lechon, Allan Syiaco, Butch Borja, EJohn Capinpin, Jun Bacolod, Magno Lim, Dennis de Asis, Steve Debulgado, Nap Laurente & Edwin Baccud, Nene Abello, Boy Velez, Nene Rojo, Dori Du, at Dr. Boy Tuazon.

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby ay may garantisadong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorative plate kaloob naman ng Thunderbird Platinum.

Ang ikatlong 2-stag eliminations ay nakatakda bukas Set. 17 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.