KUALA LUMPUR, Malaysia -- Mula nang unang pagsabak sa ASEAN Para Games noong 2003, pawang gintong medalya ang naiuwi ni table tennis medallist Josephine Medina.

Ngayong edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia, kumpiyansa si Medina na hindi mababago ang kanyang marka.

Tangan ang silver medal mula sa 2016 Paralympics sa Rio de Janerio, Brazil, sasabak si Medina sa quadrennial meet na mataas ang morale na madudugtungan ang naging kasaysayan sa pamosong torneo.

Sasabak siya sa singles, gayundin sa team event kasama si Minnie de Ramos-Cadag.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kabuuan, tangan ni Medina, umakyat sa world ranking sa No. 6, ang 12 gintong medalya sa biennial event kabilang ang four-gold haul sa 2008 edition sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Sa kabila nito, sinabi ni Medina na kailangan niya ang trabahong-Marino para makaagapay sa kanyang mga karibal.

“In all my years competing, I never thought of winning the gold first. I just gave it my best and let things happen,” sambit ng 47-anyos na si Medina.

“Good thing for me, I always end up winning the gold medal anyway,” aniya.

Ikinasiya rin ni Medina ang malaking pagbabago at mataas na pagtingin sa mga katulad niyang atleta. Batay sa inamyendahang batas sa ‘Athletes Incentives Act’ kabilang na rin ang Para athletes sa mabibigyan ng insentibo.

“Before, we’re like floating athletes, we only get to train a month or two before a competition,” pahayag ni Medina.

“I’m very thankful that our dream is coming true,” aniya.

Hindi napigilan ni Medina na maipahayag ang hinampo noon sa pamunuan ng TATAP na tumanging isama siya sa regular national team dahil sa kanyang kapansanan.

“I was winning medals in the National Open and age-group but they didn’t accept me because of my disability,” aniya.

“Maybe it was a blessing in disguise because I wouldn’t be given this opportunity if it hadn’t happened.”