PANGUNGUNAHAN nina Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at 2017 Southeast Asian Games gold medal winner Chezka Centeno ang 116-member Team Philippines sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) simula sa Sabado sa Ashgabat, Turkmenistan.

Inaasahan ding magbibigay ng ginto para sa bayan sina taekwondo jin Samuel Morrison at two-time world champion Rubilyn Amit.

Ipinahayag ni Team Philippines deputy chef de mission Raymund Lee Reyews na manunuluyan ang delegasyon sa world-class 157-hectare Olympic Village.

“Their provisions are very generous. Our only challenge is internet access as social media is blocked and monitored by the government for security reasons,” sambit ni Reyes.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tutulak ang unang grupo ng mga atleta patungong Turkmenistan ngayon sakay ng chartered Philippine Airlines plane. Inaasahang makakasama sila sa welcome ceremony sa Athletes Village sa Biyernes.