SINANDIGAN ni Eya Laure ang University of Santo Tomas sa dikitang 25-23, 27-25, 25-23 panalo kontra De La Salle-Zobel kahapon para makopo ang maagang liderato sa UAAP Season 80 high school volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Naglalaro sa kanyang final season, pinangunahan ni Laure ang pagbangon ng Junior Tigresses mula sa 10-17 paghahabol sa third set, tampok ang krusyal na kill sa para masungkit ang panalo.

Sinimulan naman ng National University, sa pangunguna nina Faith Nisperos at Alyssa Solomon, ang kampanya para sa ikaapat na sunod na kampeonato sa magaan na 25-4, 25-13, 25-8 kontra UP Integrated School.

Tangan ng UST ang 2-0 karta matapos ang opening-day win na 25-14, 25-10, 25-8 kontra UPIS nitong Sabado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman nasundan ng De La Salle-Zobel ang panalo sa Far Eastern University-Diliman, 25-17, 16-25, 25-23, 25-22, nitong Linggo para sa 1-1 karta.

Sa kabila nang hindi paglalaro nina middle hitter Thea Gagate at Princess Ann Robles, matatag ang Bullpups sa presensiya nina Solomon at Nisperos.

Matikas din ang simula ng Adamson University nang pataubin ang University of the East, 21-25, 25-15, 25-22, 25-20.