NEW YORK (AP) — Sa unang pagkakataon, nakopo ni Garbine Muguruza ang world No.1 ranking sa women’s singles, habang muling nakuha ni 2017 US Open champion Rafael Nadal ang pagiging numero uno sa men’s ranking nitong Lunes (Martes sa Manila).
Ito ang unang pagkakataon na nakamit ng parehong Spanish player ang top ranking sa WTA at ATPO mula nang magawa ng US may 14 taon na ang nakalilipas.
Kapwa naging No.1 sina American Andre Agassi at Serena Williams noong 2003.
Tumalon mula sa No.3 si Muguruza, ang Wimbledon champion nitong July, matapos makausad sa fourth round sa US Open sa Flushing Meadows. Siya ang ika-24 na babae na naging No.1 sa WTA mula nang gamitin ang computer rankings noong 1975 at ikalawang Spanish sa likod ni Arantxa Sanchez Vicario.
Naagaw ni Muguruza ang pagiging No. 1 kay Karolina Pliskova, bumagsak sa No. 4 nang matalo sa quarterfinal.
“My motivation is just to be able to be a good tennis player — a good tennis player, and to come to the Grand Slams and be a threat. The ranking is temporary,” pahayag ni Muguruza.
“I don’t know what it feels to be No. 1. Hopefully one day I can. And then I (will) compare. But for now, I’d rather be (No.) 10 and win Grand Slams, than be No. 1,” aniya.
Nakuha ni Nadal ang No. 1 nang makopo ang ikalawang Grand Slam trophy ngayong season at ika-16 sa kabuuan ng career nang gapiin si Kevin Anderson, 6-3, 6-3, 6-4, sa Flushing Meadows.