April 13, 2026

Home BALITA

SB19 Pablo, binash dati ang mga kagrupo: 'Ang papangit naman!'

SB19 Pablo, binash dati ang mga kagrupo: 'Ang papangit naman!'
Photo Courtesy: Screenshot from Ninong Ry (YT), SB19 (FB)

Ibinahagi ni SB19 member Pablo ang isang funny story nang minsan siyang mag-volunteer sa isang culture caravan kung saan napanood niyang magtanghal sina Felip, Justin, at Stell.

Sa latest episode ng vlog ng chef at content creator na si Ninong Ry kamakailan, sinabi ni Pablo na nagtaka umano siya kung bakit pinagkakaguluhan ng mga manonood ang mga kagrupo niya.

“There’s this one time na nag-volunteer ako sa isang culture caravan tapos nagsasayaw sila. Pinagkakaguluhan sila. [...] Hindi ko po sila idol. Bina-bash ko sila noon,” lahad ni Pablo.

Pero hirit ni Stell, “Pero no’ng nakatingin ka sa amin, nakanganga ka. Inabutan pa niya kami ng tubig.”

“‘Yon ang work ko no’n,” depensa naman ni Pablo. “Kumbaga ako ‘yong nag-aassist sa mga guest.”

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

“Sabi ko, ‘Pucha, bakit ganito ‘to? Ang papangit naman pinagkakaguluhan,” dugtong pa niya.

Napuno tuloy ng tawanan ang kusina ni Ninong Ry dahil sa binitawang biro ni Pablo.

Pero ayon sa kaniya, matapos niyang mapanood ang mga kagrupo noon sa culture caravan, ginusto na rin daw niyang magtanghal, na wala naman daw talaga sa inisyal niyang plano.

Sa kasalukuyan, isa ang SB19 sa mga namamayagpag na boy group sa Pilipinas. Kinikilala rin sa labas ng bansa ang ipinapamalas nilang husay sa pagkanta at pagsayaw.