Ni REGGEE BONOAN
TRENDING ang tambalan nina Lito Lapid bilang Pinuno/Leon at Coco Martin bilang Aguila/Fernan nang makipaglaban sila sa mag-amang Enriquez na sina Jestoni Alarcon at Aljur Abrenica na nagapi nila.
Kaya nagtapos na ang guesting nina Jestoni, Aljur at Paul Alvarez sa FPJ’s Ang Probinsyano pero tiyak na may bago silang project sa Dreamscape Entertainment. Ganu’n naman, di ba, Bossing DMB, kapag nawala na ang karakter ng sinumang artista sa Probinsyano ay tiyak na may kapalit na project.
Nostalgic ang kalalakihang avid viewers ng Probinsyano sa style ng pakikipagbakbakan nina Coco at Lito na sabi nila ay ibinalik ‘yung mga kinagiliwang pelikulang aksiyon noon. At kahit malaki ang agwat ng edad ni Lito kay Coco, kaya pa ring makipagsabayan sa bakbakan. Siya pa rin ang nag-iisang Leon Guerrero na hinangaan noon sa Alamat ni Leon Guerrero (1980) at Pagbabalik ni Leon Guerrero (1982).
Gigil na gigil ang mga manonood kay Jhong Hilario bilang si Alakdan na pinagpaplanuhan kung paano ililigpit sina Pinuno, Amang (Dante Rivero) at mga loyalistang tauhan kasama na si Aguila/Fernan.
Isama na rin sina Sid Lucero at John Arcilla na nagbibigay ng proteksiyon sa Pulang Araw na hindi naman alam ni Angel Aquino.
Samantala, namumuroblema ang buong pamilya ni Cardo na sina Lola Flora (Susan Roces), asawang si Alyanna (Yassi Pressman), mga kaibigang sina John Pratts, Mark Solis, at iba pa nang kumalat na ang video na nakunang nagnakaw sa isang grocery store ang Pulang Araw para ipamahagi sa mga nangangailangan.
Sinadya itong ipakalat nina Sid at John para malaman ng mga taga-Pulang Araw na si Fernan/Aguila at Cardo ay iisa at miyembro ng SAF.
Takot na takot naman si Louise delos Reyes dahil plano na silang iligpit ni Alakdan pero pinalalakas naman ang loob niya ni Ejay Falcon na gusto siya.
Cliffhanger ang episode nitong Biyernes dahil tinawag ni Louise si Lito para magsumbong sa mga ginagawa ni Alakdan. Matuloy kaya o mamamatay na ang karakter ni Louise?
Ano ang hula mo, Bossing DMB?
(Aalamin ko muna kung may naka-schedule nang taping si Louise para sa bagong show ng Dreamscape para tumama ang hula ko, he-he.... –DMB)