Tinatayang 100,000 overseas Filipino workers (OFW) ang kukunin ng Japan upang matugunan ang lumalalang labor shortage at gitna ng pagtanda ng populasyon nito.

Sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nakipagpulong ito sa mga kinatawan ng Ministry of Japan para sa paglalagda ng bagong Memorandum of Understanding (MOU) sa Nobyembre, na magpapahintulot ng pagpasok ng mga OFW sa Japan.

Hindi gaya ng umiiral na Philippine-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA), na sumasakop lamang sa Filipino nurses at caregivers, ang bagong MOU ay magpapahintulot sa mga Pilipino mula sa iba pang skilled at semi-skilled professions na makapagtrabaho sa Japan.

Sinabi ni Bernard Olalia, Labor undersecretary at POEA officer-in-charge, na ang MOU ay hindi na sa ilalim ng government-to-government arrangement at sa halip ay papahintulutan ang partisipasyon ng Philippine recruitment agencies (PRA).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Those who will be deployed (under the proposed MOU) will be hired not only by government institutions but also by private companies,” anang Olalia. - Samuel P. Medenilla