Ni NITZ MIRALLES

ANG ganda ng ngiti ni Gabby Concepcion sa picture habang hawak ang trophy sa napanalunang Asian Star Prize Award sa 12th Seoul International Drama Awards na ginawa sa KBS Hall, Seoul, Korea nitong September 7.

Park Bo Young at Gabby copy

Nanalo si Gabby para sa performance niya bilang Rome Fuentebella sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7. Siya lang ang Pilipino na nanalo ng award.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Personal na tinanggap ni Gabby ang kanyang first international acting award dahil nakadalo siya sa awards night. May picture siyang kasama ang Korean actress na si Park Bo Young at sa isa pa ay kasama naman niya ang Malaysian actress na si Debbie Goh at ang Japanese actress na si Hyunri Lee.

“I am deeply honored and overwhelmed to receive the prestigious Asian Star Prize. Thank you very much to Seoul International Drama Awards fo this recognition. I also thank all my Filipino supporters as well as the Korean viewers for recognizing my talent. It is indeed a blessing and I will surely treasure this award,” pasasalamat ni Gabby.

Matatandaan na last year, si Dennis Trillo ang nanalo ng kaparehong award sa performance naman nito sa My Faithful Husband at ngayong taon ay si Gabby naman ang nag-uwi.

Napapanood sa Ika-6 Na Utos ang kahusayan sa pagganap ni Gabby bilang Rome na iba’t ibang emosyon ang ibinibigay, lalo na ngayong nakakulong ang karakter niya dahil napagbintangang pumatay kay Angelo (Mike Tan).

Marami ang natutuwa na patuloy pa rin silang nanonood. Mukhang matagal pang masusubaybayan ang number one daytime program dahil mahaba pa ang extension nito. Kasama ni Gabby sa Ika-6 Na Utos sina Ryza Cenon, Sunshine Dizon at iba pa mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.