Upang alalahanin ang mga nasawi sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon, sabay-sabay na patutunugin ang mga kampana ng mga simbahan sa Archdiocese of Manila sa Huwebes, Setyembre 14.
“The tolling of church bells in the evening to pray for the dead is an old Filipino custom that has almost disappeared. Now is the right time to revive it,” saad sa liham ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nanawagan din si Tagle sa mga pastor at lay leaders na paigtingin ang pakikiisa sa mga biktima at pamilya ng mga ito sa pamamagitan ng pagbabasbas sa mga patay at pakikiramay sa kanilang mga naulila.
“With pain and horror we continue to get daily news of killings around the country. We cannot allow the destruction of lives to become normal. We cannot govern the nation by killing. We cannot foster a humane and decent Filipino culture by killing,” ani Tagle. - Mary Ann Santiago