NI: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Patay ang isang umano’y nanlabang drug personality sa buy-bust operation ng Cabanatuan City Police-Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-3 sa Zone 1, Barangay Camp Tinio nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan Police, ang napatay na tulak na si Francisco "Pantet” Santiago, residente ng Melencio Street, Bgy. San Roque.

Dakong 3:28 ng hapon nang ilatag ang operasyon at nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya agad na bumunot ng baril, pinaputukan ang mga pulis, hanggang sa magkapalitan ng putok at mapatay ang suspek.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay