Ni: PNA

HINILING ng isang provincial board member sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipag-ugnayan at masusing makipag-usap ang kagawaran sa mga residente ng Palawan tungkol sa panukalang P30-bilyon six-lane superhighway project sa lalawigan.

Naghain nitong Martes ng resolusyon si Board Member Winston Arzaga sa Sangguniang Panlalawigan at ipinaabot ang nasabing kahilingan kay DPWH Secretary Mark Villar.

Inihain ng board member ang apela dahil sa mga kristisimo na hindi kinonsulta ang publiko sa proyektong superhighway.

Isa sa mga tinukoy na pangamba ang maaaring pagwasak ng nasabing proyekto sa daan-daang matatandang puno ng Acacia mula sa El Nido sa hilaga hanggang sa Brooke’s Point sa kamitugan.

“The construction of such a huge road-widening and improvement project will certainly impact on the residents along the highway, who until now, have never been informed nor consulted, particularly on the just compensation of their properties,” lahad ni Arzaga.

Aniya, sa pamamagitan rin ng maayos na pakikipag-usap, masisiguro ang katapatan at ang pakikipagtulungan ng komunidad.

“It is necessary for the DPWH, as the lead agency of the project, to maintain close coordination with LGUs and conduct dialogues, as well as information campaigns among affected residents for the successful implementation of the project,” ani Arzaga.

Para sa proyekto, na layuning palakasin ang turismo sa Palawan, gagawing six-lane superhighway ang kasalukuyang 600-kilometrong two-lane arterial road mula sa timog hanggang sa hilaga.

Inaasahan na masusuportahan nito ang sub-regional economic cooperation initiative ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Vision 2025 sa pagsusulong ng malayang pagkilos ng mga tao, produkto, at serbisyo.

Una nang inihayag ng abogado at provincial information officer na si Gil Acosta Jr. sa Philippine News Agency na ang “ambitious plan of developing the province’s national road, which costs PHP30 billion, has been approved by President Rodrigo Duterte, and will be coursed through the DPWH.

“The robust growth of the local economy attributed primarily to the thriving tourism industry made it is imperative for the provincial leadership to seek remedy to address the need for wider roads for ease of travel,” aniya.

Gayunman, ang road-widening project na ito ay naharap sa ilang kontrobersiya kamakailan, nang isang residente ang mangalap ng mga pirma online upang mapigilan ang umano’y pagsira sa mahabang hilera ng mga puno ng Acacia na lumikha ng natural tunnel sa Barangay Inagawan sa Puerto Princesa City.

Sa ngayon, nangangailangan na lamang ang signature campaign na inilunsad sa Change.org ng 5,722 pirma upang maabot ang target nitong 25,000 lagda.