Ni: Light A. Nolasco

SAN LUIS, Aurora - Ilulunsad ng mga tauhan ng San Luis Police ang community-based reformation program para sa 22 drug personalities at mga sumuko sa ilalim ng Oplan Double Barrel Reloaded ngayong Setyembre.

Kaugnay pa rin ng ‘war on drugs’ ng administrasyon ni Pangulong Duterte ang hakbang na ito.

Ayon kay Senior Insp. Ysrael Namoro, hepe ng San Luis Police, magtatalaga ang pulisya ng mga reformation center sa mga barangay upang mabantayan at masubaybayan ng mga opisyal ng barangay ang mga isasailalim sa nasabing programa.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ang mga lokal na opisyal umano ang higit na nakakaalam sa kanilang mga kabarangay na sangkot sa ilegal na droga.