Ni LITO T. MAÑAGO

PINAG-UUSAPAN sa social media (socmed) at naging top post pa ang hastag na #aKHOandmyBELOved ng most celebrated at most anticipated na kasalang Dra. Vicki Belo at Dr. Hyden Kho sa The American Church sa Paris, France nitong September 2. Sa socmed rin namin nalamang ginanap ang pabolosong wedding reception sa Opera Garnier or Palais Garnier, ang 1,979-seat opera house na matatagpuan sa Rue Scribe sa Paris.

Hayden at Vicki copy

Isa itong star-studded wedding event at mga bigatin at kilalang personalidad ang imbitado.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Dumayo at nakiisa ang maraming showbiz personalities sa pag-iisang dibdib ng isa sa mga controversial couples sa Philippine society.

Sa socmed, kalat ang photos ng mga celebrity katulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera (kasama ang anak na si Baby Zia), Piolo Pascual, Regine Velasquez, Ogie Alcasid with son Nate, daughters Leila and Sarah plus ex-wife Michelle Van Eimeren, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Leyte representative Lucy Torres and daughter Julianna, Derek Ramsay and GF Joanne Villablanca.

Present din ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, socialite Tessa Prieto-Valdes, eventologist Tim Yap and partner Javi Martinez, Michael Cinco, Pops Fernandez, Lovi Poe and BF Chris Johnson, ABS-CBN news reporter Dyan Castillejo, Jinky Pacquiao, Kim Atienza and family, GMAAC head Gigi Santiago-Lara at marami pang iba.

Humabol naman si Alden Richards sa Paris pagkatapos ng event ng Cebuana Lhuiller sa MOA Arena.

Sa church, pinagkaguluhan ang aktor. Nakabuntot sa kanya ang mga fan na karamihan ay miyembro ng Aldub Nation na naninirahan sa Inglatera.

Dahil hindi nakadalo, nagpadala na lang ng video message ang partner ni Alden sa #KalyeSerye ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza.

Ani Maine, “Hello, Dra. Vicki and Dr. Hyden, congrats on your wedding and stay in love.”

Dalawang oras bago ang wedding rites, kumain pa ng salad si Dr. Hyden habang naghahanda at nag-post ng photo sa Instagram na nilagyan ng caption na, “Salad for a healthy heart. I will need my heart to be super fit for later. I’m expecting it to do all the work. 2 hours to go.”

Touching naman ang IG post ni Cristalle Henares sa kanyang ina. Sabi niya, “So this is how a mom feels when her daughter gets married. I love you so much @victoria_belo. You were such a beautiful, radiant, and glowing bride today! #aKHOandmyBELOved.”

Bida rin siyempre ang kapatid ni Cristalle na si Quark Henares at higit sa lahat, pinagkaguluhan din ang anak nina Dra. Vicki at Dr. Hyden na si Scarlet Snow Belo.

Bago ang pakikipag-isang dibdib kay Doc Hyden, Dra. Vicki has been married to Atom Heneras and eventually got annulled.

Habang tinatapos namin ang aming deadline, bumubuhos pa rin ang sangkaterbang wedding photos sa social media sa katatapos na wedding nina Dra. Vicki at Dr. Hyden.

Congrats, Mr. & Mrs. Hyden Kho!