TOKYO (Reuters) – Matapos ang kanyang kasal, tatalikuran na ni Princess Mako, panganay na apo ni Japanese Emperor Akihito, ang pagiging prinsesa at mamumuhay bilang karaniwang tao, ipinahayag ng Imperial Household kahapon sa pamamagitan ng public broadcaster na NHK.

Si Mako ay isa sa apat na royal grandchildren. Ang tatlong iba pa ay ang kanyang nakababatang kapatid na babaeng si Kako, kapatid na lalaking si Hisahito, at ang anak na babae ni Crown Prince Naruhito na si Aiko.

Ikakasal si Mako sa dati nitong kaklase na si Kei Komuro, nagtatrabaho sa isang law office sa Tokyo. Kapwa sila nagtapos sa International Christian University.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo