Ni NITZ MIRALLES

IN fairness, marami ang natutuwa sakali mang magkarelasyon na nga sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Bagay daw ang dalawa at may nag-comment pang perfect sila para sa isa’t isa.

JOHN LLOYD copy copy

Napapadalas ang pagkikita at paglabas-labas nina John Lloyd at Ellen, nagdi-dinner at nitong huli, nag-sunset watching kasama ang isang kaibigan. Hindi lang sinabi kung saan nag-sunset watching sina John Lloyd at Ellen, pero batay sa nakita namin sa IG story, hindi sa Manila Bay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi pa nai-interview ang sinuman kina John Lloyd at Ellen tungkol sa matagal nang tsika na nagkakamabutihan sila, kaya hindi pa nila masagot kung ano ang status nila. Kung friendship ba, getting to know each other stage, exclusively dating o sila na.

Anuman ang stage ng ugnayan ng dalawa, mas marami ang pabor kesa kontra. Tama ang comments ng ilang citizens na hayaang maging masaya sina John Lloyd at Ellen at tama na ang bashing.