Ni: Nitz Miralles
PAREHONG invited sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sina Marian Rivera at Lovi Poe. Kasama ni Marian ang mag-ama niyang sina Dingdong Dantes at anak na si Zia na isa sa flower girls sa kasal.
Mag-isang lumipad patungong Paris si Lovi at doon na sila nagkita ng boyfriend niyang si Chris Johnson. Mag-i-extend ng stay sa Europe si Lovi para makapamasyal at sa September 15 na ang balik.
Ang wish ng fans nina Marian at Lovi, sa pagkikita nila sa Paris, makapag-usap sila ng masinsinan at bumalik na ang pagiging magkaibigan.
Kahit hindi magkaaway, nagkaroon ng lamat ang friendship ng dalawa dahil sa naging isyu nina Marian at Heart Evangelista na parehong kaibigan ni Lovi.
Nagkaroon ng distansya sina Marian at Lovi na naging maganda ang friendship nang magkasama sa isang show ng GMA-7.
Nagkita na ang dalawa sa isang event, nagbatian, pero hindi pa nakakapag-usap ng masinsinan. Kaya wish ng fans ng dalawa, pagbalik nila ng Pilipinas, maayos na sila.
Anyway, napapanood na ang teaser ng Super Ma’am ni Marian at hindi lang ang mga eksena ng pagiging teacher niya ang ipinapakita. May action scenes din ang aktres na ikatutuwa ng kanyang fans.
Sa September 18 ang pilot ng Super Ma’am mula sa direction ni LA Madridejos. Makakasama ni Marian sa seryeng ito sina Helen Gamboa, Jerald Napoles, Joyce Ching, Kristoffer Martin at ang leading man niyang si Matthias Rhoads.