Ni JIMI ESCALA

DIRETSAHANG binanggit ni Bea Alonzo sa finale presscon ng serye nila ni Ian Veneracion na A Love To Last na napakaaga pa para magbigay siya ng komento kung si Gerald Anderson na ba ang masasabi niyang “love to last” niya.

Ian Veneracion and Bea Alonzo 1 copy copy

“Napakaaga pong sabihin na siya na ‘yung the one. Wala pa po kami doon,” sabi ni Bea.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi pa rin naman daw panahon para pag-usapan ang paglagay niya sa tahimik.

“Wala pa doon. Hindi pa din ibinibigay ng pagkakataon. Parang ang dami ko pa ring gustong gawin sa buhay ko. Madami pa akong pangarap na gusto kong abutin bago ako pumunta doon,” sabi ng mahusay na aktres.

Ano ang real score nila ni Gerald?

“Sa totoo lang, we are really enjoying each other’s company right now. We are very busy, I’m very busy, siya din.

Parang gusto rin naming i-honor ‘yung individuality ng isa’t isa.

“’Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin because people might think na echosera ako, but what should I say? I wish I could say something but there’s really nothing to say,” banggit pa ni Bea.

Pero hindi naman itinanggi ni Bea na very special sa kanya ang binata.

“Gerald is so very special. He inspires me everyday,” pag-amin niya.

Katwiran pa ni Bea, maayos ang anumang relasyon nila ngayon ni Gerald dahil sa pagiging private nito, huh!

“For me, I think that’s the beauty of it, parang nag-i-enjoy lang kami sa buhay. We are living in the moment,” nakangiting banggit ng bida ng top-rating na seryeng A Love To Last.