Ni NITZ MIRALLES

MALABO na bang magkaayos sina Jake Zyrus at ang kanyang inang si Raquel Pempengco?

Naitatanong namin ito dahil sa latest Facebook post ni Raquel, nakiusap ito na kalimutan na lang siya nina Jake at kapatid nito bilang kanilang ina.

JAKE copy

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“Hangad ko na sa paglalabas mo ng mga sama ng loob mo in public national TV, eh, magiging maluwag na sa dibdib mo ang lahat. Patawarin mo ako kung ‘yun ang naramdaman mo. Pero isa lang ang totoo para sa akin. Ang maghangad kung ano ang ikabubuti n’yo. Pero kung dahil sa akin, eh, naliligaw kayo, isa lang pakiusap ko, kalimutan n’yo na naging ina ninyo ako... patawad mahal na mahal ko kayong magkapatid.”

Wala pang reaction ni Jake sa bagong post na ito ng ina, hindi makapag-comment ang followers niya sa Instagram dahil naka-off ang comment section ng IG account niya. ‘Tapos ang latest video post nito ay hindi para sa ina, parang tungkol sa kanyang love life.