Ni NITZ MIRALLES

NAGKITA na sa wakas si Kris Aquino at si Kevin Kwan, author ng librong Crazy Rich Asians na kasama ang una sa cast ng movie adaptation. Sa Cebu nagkita ang dalawa dahil si Kris ang inimbita ng National Bookstore na mag-host sa book tour ni Kevin Kwan na ginawa sa SM Seaside City.

Kris at Kevin copy

Punung-puno ang venue sa rami ng mga taong dumating sa event, hindi lang para makita si Kevin Kwan kundi para na makita na rin si Kris na miss na miss na ng kanyang fans na mapanood nang regular sa TV.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Parehong nagpasalamat sa isa’t isa sina Kris at Kevin for the opportunity na magkita na finally. Sabi ni Kevin:

“Still on a high from the most amazing day with @krisaquino and @nbsalert.”

Post naman ni Kris: “Thank you @nbsalert for bringing me to #smseasidecitycebu to be with @kevinkwanbooks.”

Panalo ang picture nina Kris at Kevin Kwan habang nasa Mactan Cebu International Airport at kumakain ng Jollibee.

“I love @kevinkwanbooks! He asked me for @jollibee chicken joy. I said sure but he needed to also try my favorite @chowking milky white halo halo.”

Sinagot ni Kris ang isang comment na inagawan niya ng eksena si Kevin Kwan sa Cebu event nila. Mas maganda raw sana kung hindi sila nagsabay lumakad papuntang stage.

“The presence of the author SHOULD’ve been the highlight of the event (not the host). The event is about Kevin not Kris,” comment ng isang present sa event.

Sagot ni Kris: “Girl I totally refuse to let you ruin what was a happy & successful event & please don’t cop out your negativity with a peace sign-stand by your mean spiritedness. @kevinkwanbooks had no issues & we had a lovely dinner & are having brunch before our flight.”

After meeting with Kevin Kwan, ang sunod na hinihintay ng fans ni Kris ay ang pagbabalik niya sa telebisyon. May nag-aakalang sa Wowowin na host at co-producer si Willie Revillame siya lalabas and as expected, may mga nega na agad ang reaction.

Ang payo ni Kris sa isa niyang follower at para na rin sa lahat, “Please don’t judge yet & allow yourself to be pleasantly surprised.”