Ni NORA CALDERON

PAGDATING ng pamilya nila ni Ogie Alcasid sa France last Saturday, nag-post agad si Regine Velasjquez sa Instagram ng picture ng Eiffel Tower at ng pagdating nila sa Paris with Nate and Leila. 

Ogie & Family copy

Nag-comment agad ang mga Pinoy na nakatira sa naturang bansa, at isa sa kanila ang nagmamalasakit na nagpaalaala ng, “Ingat sa Paris, not very safe now a days.” Mayroon ding nagsabi ng, “Bienvenue Ms. Reg and family! Ingat lang po maraming pickpocket dito sa Paris... enjoy your vacay...”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pinakamarami ang nagpasalamat na sa wakas ay makikita na raw nila si Regine. 

Mukhang marami ang Pinoy na pupunta sa Paris para makita rin ang ibang artistang kasama sa wedding entourage nina Dr. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho, tulad ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama si Baby Letizia. Magiging flower girl si Baby Zia kasama si Snow Belo.

Sumunod namang nag-post si Ogie ng picture na kasama na sina Michelle Van Eimeren at youngest daughter na si Sarah. Sabi ni Ogie, nami-miss nila si Mark Morrow, husband ni Michelle, na hindi nakasama.

Nasa Paris for a family vacation ang mag-anak ni Ogie. At last Sunday, August 27, ay sama-sama na silang nag-celebrate ng golden year ni Ogie sa isang lunch sa Paris. Pasyal-pasyal na muna sila in Paris, at since sila ngang mag-asawa ang kakanta sa wedding ceremony nina Vicki at Hayden, isinabay na nila ang kanilang pagbabakasyon. After daw ng wedding, saka sila papasyal sa ibang lugar sa France.

Bakasyon grande muna sila bago bumalik sa work sa Pilipinas, especially si Regine na maghahanda na para sa coming R3.0 concert sa SM Mall of Asia sa October 31.