Ni: Jun Fabon

Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 28-anyos na construction worker nang makuryente siya at mahulog mula sa ikalimang palapag ng ginagawang gusali sa Barangay Balingasa, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Aguas, may asawa, ng Sto. Cristo Street, Bgy. Balingasa.

Kaagad na nasawi si Aguas dahil sa pagkabagok at malubhang pagkalasog ng katawan.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Base sa inisyal na ulat ni PO1 Noel Bautista, desk officer ng Laloma Police Station, ganap 8:30 ng umaga kahapon at nagliligpit ng mga bakal at ilang materyales si Aguas sa 5th floor ng gusali nang dumikit ang pasan nitong kabilya sa high-tension wire ng Meralco kaya nakuryente at nahulog pa sa gusali.