HONG KONG (Reuters) – Nagdala ng malakas na hangin at ulan ang bagyong Pakhar sa Hong Kong at Macau kahapon, apat na araw matapos manalasa ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa talaan, ang Hato, na nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa mga teritoryo at ikinamatay ng 10 katao sa gaming hub.

Kapwa naglabas ang dalawang lungsod ng kanilang ikatlong pinakamataas na weather warnings na storm signal No. 8, kahapon ng umaga sa paghagupit ng malakas na hangin at ulan.

“Pakhar will land to the west of the Pearl River Estuary in the next few hours,” babala ng Hong Kong Observatory, ang weather forecasting agency ng teritoryo.

Nagdulot ito ng pankansela at pagkaantala ng mga biyahe ng eroplano. Umabot sa 140 flights ang nakansela dakong 6: 00 pa lamang ng umaga kahapon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinuspinde rin ang biyahe ng mga bapor sa Macau at mga katabing isala ng Hong Kong.