Baka ito na ang sagot sa malamig mong love life!
Idinagdag ng isang sikat na dating app sa listahan ng mga bago nilang features ang AI (Artificial Intelligence) Matching upang mas mapadali ang dating experience ng singles ngayong 2026.
Ayon sa Tinder, ang kanilang AI-powered matching ay idinisenyo upang matulungan ang singles na makahanap ng mas “intentional and personalized connections” batay sa kanilang “unique preferences” at mga interes.
Saad pa ng dating app, ang AI-matching ay kakalap ng personalized na rekomendasyon batay sa mga impormasyong ibinahagi ng user sa kaniyang profile, mga sagot sa in-app questionnaires, at camera roll photos.
Sa pamamagitan ng feature na ito, matutulungan ang Tinder users, na karamihan ay binubuo ng Gen Zs nasa edad 30 pababa, na magkaroon ng mas “authentic” na dating experience na walang karagdagang pressure.
“With more than half our users under 30, we’re building alongside a generation that wants dating to feel more authentic, lower-pressure, and worth their time,” saad ni Rascoff.
Aniya pa, sa AI-matching, mas mahihikayat ang singles na magkaroon ng mataas na kumpiyansa sa pagbubuo ng koneksyon sa ibang tao.
“We’re using AI to surface more relevant connections, and continuing to raise the bar on safety so that people feel confident taking the next step. Taken together, these changes mark the most significant evolution of our app in years and make Tinder more trusted, social, intelligent and expressive,” dagdag pa ni Rascoff.
Ang AI feature din ng Tinder ay may kapasidad na maka-detect ng mga “inappropriate” messages at gumamit ng facial scanner upang maberepika ang identidad ng user.