Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 pm Rain or Shine vs. Star

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

6:45 pm NLEX vs. San Miguel Beer

MAPATIBAY ang kapit sa liderato at panatilihin ang malinis nilang imahe ang tatangkain ng Star sa pagsagupa nila kontra Rain or Shine sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Bitbit ang walang bahid na 4-0, panalo -talong marka, sasagupain ng Hotshots sa pambungad na laro ngayong 4:30 ng hapon ang koponan ng Rain or Shine.

Huling ginapi ng Hotshots upang manatiling nag -iisang koponan na walang talo sa season ending conference ang Phoenix noong nakaraang Miyerkules sa iskor na 100-81.

Inaasahang magiging mainit ang bakbakan ng dalawang koponan lalo pa’t manggagaling ang Elasto Painters sa back-to-back wins kontra Kia Picanto at TNT Katropa.

Nagbalik na mula sa limang buwang pagpapagaling sa natamong hip injury, inaasahan ng makakatuwang nina Paul Lee, Ian Sangalang, Allein Maliksi, Jiovani Jalalon ,Marc Barroca at import Malcolm Hill para pamunuan ang Hotshots ang defense specialist na si Marc Pingris.

Sa kabilang panig, sasandig naman ang Elasto Painters kina import Nathan Bullock at mga top locals na sina Jericho Cruz,Chris Tiu at James Yap.

Samantala sa tampok na laro, pupuntiryahin naman ng San Miguel Beer ang ika-4 na panalo sa panglimang laro kontra NLEX ganap na 6:45 ngayong gabi.

Dikdikan ding umaatikabo ang inNi: Marivic Awitan

Dikdikan ding umaatikabo ang inaasahan sa larong ito dahil magtatangka naman ang Road Warriors na makabalik sa winning track makaraang bumagsak sa ikalawang kabiguan sa kamay ng Blackwater sa nakaraan nilang laro sa iskor na 106-107.

aasahan sa larong ito dahil magtatangka naman ang Road Warriors na makabalik sa winning track makaraang bumagsak sa ikalawang kabiguan sa kamay ng Blackwater sa nakaraan nilang laro sa iskor na 106-107.