Ni NITZ MIRALLES
GALIT na galit si Jaclyn Jose sa kanyang latest post sa Instagram at para mas maintindihan, kinowt na namin siya.
“I have problem na di ko problema na walang kinalaman sa nomination na ito (may pinost siyang nomination from France) lice lier to hell if my lice will stay cast those who haven’t have...#wagako. Lice can go away but liars will go to hell.”
Sa sumunod na post ni Jaclyn, mas naintindihan kung ano ang gusto niyang tukuyin sa unang post.
“Took a photo? Ng apo ko? O, e, d may kuto sana ginamot n’yo kasi kakahiram n’yo di namin ma-treat. I am at the edge of this nonsense accusation for Andi (Eigenmann). Alam ko galit na naman kayo sa akin. O, e, bakit pinicturan n’yo?
Oo meron nga ano ginawa n’yo? Wala! Di ba may salon kayo? Tinreat n’yo ba? Hindi! For picture purposes lang... puede ba itigil n’yo na paghahanap ng mali? Sino sa pamilya mo di nagkakuto? Tell me para pag naligo kayo saluhin ko pinagliguan ko baka may stem cell sayang naman kung itapon.”
Lumalabas sa post ni Jaclyn na may kuto ang apo niyang si Ellie na anak nina Andi at Jake Ejercito. Pero sa halip na i-treat para maalis ang kuto, pinktyuran at ipinost siguro sa social media, kaya nagalit si Jaclyn.
“Ititigil ko na na ito o itutuloy pa natin? Ayaw n’yo tumigil... ano ngayon isasampa may kuto? Natalo na kayo...
Laarni Bebu di ba kayo nagkakuto? Laarni nagkakuto ka kahit mayaman kayo nitong huli...”
“Puwede ba kung mag-post jao jewelry? Ibigay n’yo o i-post n’yo na pahiram lang? Kasi kaya ko ibili apo ko... at wag na tayo magtago sa mga insert shot? Lalabanan ko kayo hanggang mamatay ako lasing man o hindi.”
“Mag-ipon kayo hanggang ikamatay ko lalaban ako tapos pag namatay na ako mag-uusap kayo n ndir (malabo ang word).”
Nabanggit ni Jaclyn ang “lasing man o hindi” at dahil sa magulong post niya ng ibang sentences, tila nakainom nga siya. Sinabi naman niya na, “Di ko matapos sentences ko kasi ang dami ko puwede sabihin.”
Hintayin natin ang sagot (kung sasagot man) ni Laarni Enriquez o ng kampo nito sa post ni Jaclyn.
Samantala, huwag mag-aalala ang fans ni Jaclyn na sumusubaybay sa Alyas Robin Hood 2 dahil babalik pa raw ang karakter ni Jaclyn bilang si Judith. Pinalabas lang na namatay ito at kung paano malalaman nina Pepe (Dingdong Dantes) na buhay ang ina, patuloy na subaybayan ang action series sa GMA-7 na umeere pagkatapos ng 24 Oras.