Ni: Yahoo Celebrity

HABANG nahuhubog ang pananampalataya ni Justin Bieber, ganoon din ang kanyang squad.

Ayon sa bagong report ng TMZ, ginagabayan ng mga pastor sa Hillsong Church si Bieber sa pagpili ng mga taong nakakasalamuha niya, at hinikiyat siyang tapusin na ang pakikipag-ugnayan sa nagiging masamang impluwensiya sa kanya.

Justin copy

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Isang biktima ng pagbabalik-loob ni Bieber? Si Floyd Mayweather.

In-unfollow ni Bieber, 23, si Mayweather sa Instagram upang ibalik ulit sa dati ang nabuo nilang pagkakaibigan (madalas magtungo ang boksingero sa mga strip club).

Bagamat hindi pa sigurado kung sino pa ang matatanggal, alamin muna natin ang mananatiling “in” sa inner circle ni Bieber.

Carl Lentz: Isa sa mga lead pastors ng Hillsong Church. Bago kinansela ni Bieber ang nalalabing shows sa kanyang Purpose World Tour, laging magkasama sina Lentz at Bieber, at labis na naging malapit sa isa’t isa.

“Being more spiritual and attending church is how he finds his energy and focus again,” saad ng isang source sa People.

Patrick Schwarzenegger: Naging close sina Bieber at Schwarzenegger, 23, nitong mga nakaraang buwan, salamat sa kanilang iisang paniniwala. Isang weekend noong Mayo, namataan ang dalawa na magkasamang nagpunta sa New York City.

Lahad ng insider, “both Bieber and Schwarzenegger enjoy being involved in the church and have been hanging out a lot doing sober and relaxed activities together recently.”

Jaden Smith: Lumalabas na ang longtime pal ni Bieber na si Jaden Smith ay mananatiling kaibigan niya. Nag-post ang singer ng lumang litrato ni Smith sa Instagram na may caption na, “Ur adorable Jaden.”

Ang iba pang nananatili sa circle ni Bieber ay sina Chad Veach, Hailey Baldwin, John Mayer, Judah Smith, Kendall at Kylie Jenner.