Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. – Globalport vs Kia Picanto

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:45 n.h. – Rain or Shine vs. TNT Katropa

TARGET ng Talk ‘N Text Katropa na makasosyo sa Barangay Ginebra sa ikatlong posisyon sa pagsagupa kontra Rain or Shine sa tampok na laro ngayong gabi sa 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 6:45 ng gabi, sisikapin ng Katropa na kumalas sa kasalukuyang pagkakatabla sa San Miguel Beer sa markang 2-1, at makasalo ng Kings sa pangatlong puwesto.

Matapos mabigo sa una nilang laro sa kamay ng Meralco, nagtala ang Ginebra ng tatlong dikit na panalo, pinakahuli kontra NLEX sa iskor na 110-97 noong nakaraang Agosto 5 sa larong idinaos sa Calasiao, Pangasinan.

Sa kabilang dako, tatangkain ng Elasto Painters na makapagtala ng unang back-to-back wins sa season ending conference kasunod ng nakaraang panalo kontra winless pa ring Kia Picanto noong nakaraang Agosto13 na nag-angat sa kanila sa patas na barahang 2-2.

Inaasahang mas maganda ang maipapakita ng bagong bihis na koponan ng Rain or Shine matapos ang nasabing panalo kontra Kia kasunod ng mga di inaasahang trades na ginawa nila kung saan nawala at ipinagpalit nila ang long time top gunner na si Jeff Chan at Gilas cadet na si Mike Tolomia.

Muling sasandigan ng Elasto Painters ang bagong import na si JNathan Bullock na ipinalit nila sa dating import na si JD Weatherspoon.