April 22, 2026

Home BALITA National

Matapos sa bus: Pagsakay ni Mayor Leni sa tricycle, umani ng reaksiyon!

Matapos sa bus: Pagsakay ni Mayor Leni sa tricycle, umani ng reaksiyon!
Photo courtesy: Leni Gerona Robredo, Shr Dz (FB)

Umani ng samu't saring reaksiyon ang kumakalat na larawan ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo habang nakasuot siya ng Filipiniana at pababa ng sinakyang tricycle.

Makikita sa Facebook post ng isang netizen na may pangalang "Shr Dz" ang nabanggit na larawan ni Mayor Leni, na aniya, ay stolen shot niya noong unang araw ng pagiging alkalde niya sa Naga.

Batay sa paglalahad ng netizen, mukhang nagtatrabaho siya para kay Mayor Leni dahil sa close encounter nila sa isa't isa, na nakabase naman sa detalye ng mga pangyayari sa post.

Kuwento ng netizen, napilitan umano silang sumakay ng tricycle dahil sa kakulangan ng masasakyan at mahina ang signal ng telepono upang matawagan ang kanilang mga driver.

Ayon sa nagbahagi ng kuwento, naganap ito matapos ang kanilang tanghalian sa JMR Museum, na nagsilbing pansamantalang opisina ng alkalde.

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

Bandang 12:30 ng tanghali nang magmadali umanong umuwi si Robredo upang magpalit ng damit bago pumunta sa city hall para sa kaniyang unang araw bilang mayor.

Habang palabas ng gusali, sinabi ng netizen na hindi niya matawagan ang kanilang mga driver dahil mahina ang signal ng telepono. Sa halip na magalit, kalmado umano si Robredo at nagmungkahi na lamang na sumakay ng tricycle dahil malapit lang naman ang kanyang bahay.

“Ok, mag-tricycle na lang tayo at malapit lang naman sa bahay,” ayon umano sa sinabi ng alkalde.

Ikinuwento pa ng netizen na si Robredo pa mismo ang pumara ng tricycle at sumakay kasama ang dalawa pang close-in staff. Habang nasa biyahe, nakipagkuwentuhan pa umano ang driver sa alkalde nang hindi nito alam kung sino ang kaniyang pasahero.

Nang makarating na sila sa kanilang destinasyon, doon lamang umano napagtanto ng driver na si Robredo ang kaniyang naisakay. Nilinaw rin ng netizen na nagbayad sila ng pamasahe sa driver.

Ayon sa nag-post, nais lamang niyang ipakita na hindi umano malaking bagay para kay Robredo ang pagsakay sa anumang uri ng sasakyan—maging bus, scooter, tricycle, bangka, o pedicab.

“Isa ako sa makapagpapatunay na hindi big deal sa kaniya ang sumakay sa kahit anong klaseng sasakyan,” saad ng netizen.

Sa huli, nag-iwan din siya ng mensahe para sa mga kumakalat umanong maling impormasyon laban sa alkalde, at sinabing mas makabubuting iwasan ang pagpapakalat ng fake news.

"Kaya sa mga kumukontra at nagkakalat ng fake news, bahala kau jan. Masasabi ko na lang, nakaka-pangit po pag bitter," aniya.

Tinapos ng netizen ang kaniyang post sa pagbati kay Robredo, na may kasamang hashtag na #LeniRobredo at #MayorLeniRobredo.

Naka-tag ang post niya sa account na "Leni Gerona Robredo."

Agad namang nag-viral ang nabanggit na post, lalo't mainit-init pa ang pag-viral naman sa pagsakay ni Robredo sa isang bus, na pinag-usapan din ng mga netizen.

Maki-Balita: Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!

Maki-Balita:  Mayor Leni, sinupalpal si Harry Roque?

Photo courtesy: Screenshot from Shr Dz/FB

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Patagong pagpic nga ito eh kaya ganyan yung paa ni Mayor, nakasabit pa sa trike"

"Sanay kasi ang marami sa marangya at magarbong mga politiko lalo na yung achievement lang sa buhay ay pinanganak sa kilalang apelyido."

"We need a leader who came from our ranks—someone who understands the people. That leader is Leni."

"Naku kunwari stolen hahahaha huwag kami..."

"Bakit naglalabasan yung mga ganito kung kailan malapit na ang eleksyon?"

"Bumenta na 'yan sa amin, kahit anong gawin n'yo, matatalo pa rin kayo!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Mayor Leni tungkol dito.