Ni: Beth Camia

Sa pamamagitan ng mga satellite image na kuha ng American think tank, nakumpirma ang presensiya ng mga barko ng China malapit sa Pag-asa Island ngayong linggo.

Sa imahe ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies (AMTI) na kinunan nitong Linggo, Agosto 13, siyam na Chinese fishing vessels at dalawang Chinese Navy ships ang nasilayan malapit ng Pag-asa Island.

Ayon sa AMTI, imposibleng matukoy kung ang mga barkong ito ay may kaugnayan sa maritime militia ng China, ngunit ang dalawa sa mga ito ay tila nangingisda lamang.

Eleksyon

VP Sara, na-shookt sa 'Sara-Imee' tandem sa 2028