WASHINGTON (AFP) – Nananatiling handa ang Washington na makipag-usap sa North Korea matapos ipagpaliban ni Kim Jong-Un ang bantang titirahin ng missile ang Guam na teritoryo ng United States, sinabi ni Secretary of State Rex Tillerson nitong Martes.
Ngunit ayon sa pinakamataas na US diplomat, nasa kamay ni Kim kung kailan magsisimula ang mga negosasyon. Noon pa niya igiit na kailangang ipakita ng Pyongyang na handa itong talikuran ang kanyang nuclear program
“I have no response to his decisions at all at this time,” sabi ni Tillerson, nang tanungin tungkol sa pasya ni Kim na huwag ituloy ang banta. “We continue to be interested in finding ways to get to dialogue, but that’s up to him.”