Ni NITZ MIRALLES

PINUPURI ng maraming netizens ang official poster ng Love You To The Stars and Back, ang Star Cinema movie na muling pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

DIREK TONETTE copy

Kakaiba kasi ang poster at sa picture ni Joshua, may landscape ng probinsiya. Sa mukha naman ni Julia, makikita ang skyline ng siyudad.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Katunayan na nagugustuhan ang poster ang 68,924 likes na nito at tiyak na madadagdagan pa habang papalapit ang showing ng pelikula.

Sa August 30 ang playdate ng Love You To The Stars and Back mula sa direction ni Antoinette Jadaone, na ayon sa spy sa ABS-CBN ng aming editor ay pinabayaan ng Star Cinema na sumulat at magdirek ng istorya na tulad ng mga dati niyang ginawa sa indie fimmaking.

(Editor’s note: Isa si Antoinette Jadaone sa mga naunang indie filmmakers na nakapasok sa mainstream.)

Suwabe ang pagpo-promote ni Joshua sa movie nila ni Julia at ang sabi lang ay, “Makikilala niyo na sina Mika at Caloy (pangalan ng mga karakter nila) sa August 30.” Sabi naman ni Julia “August 30. Save the date.”