Ni: Nitz Miralles

NAALIW kami kay Rob Moya, isa sa cast ng Alyas Robin Hood 2, nang tawagin namin para lumapit kay Andrea Torres na crush niya.

ROB MOYA copy copy

Nang umaming huge crush niya ang dalaga, nagpatulong si Rob sa mga reporter na ipaalam kay Andrea na gustung-gusto niya ito at malaking bagay sa kanya halimbawang maging girlfriend niya ito.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Habang kausap namin si Andrea sa grand presscon ng Alyas Robin Hood, namataan namin si Rob na palakad-lakad sa background, kaya tinawag namin para lumapit kay Andrea. Kaya lang, sa halip na lumapit, tumakbo papalayo. Nahihiya raw siya sa aktres, lalo’t marami na ang nakakaalam na crush nga niya ito.

“Basta, pakisabi sa kanya na crush ko siya. Siya ang inspiration ko sa pagwu-workout ko. Gusto kong sabayan ang kaseksihan niya. Mahirap naman kung manliligaw ako na wala akong maipagmamalaking katawan” sabi ni Rob.

In fairness, ang ganda nga ng katawan ni Rob na 4 AM pa lang ay gising na para mag-jogging at kung walang taping, tuluy-tuloy ang pagwu-workout. Kaya lang, paano niya sasabihin nang personal kay Andrea na mahal niya ito kung nahihiya siyang lumapit?

Anyway, masaya si Rob na kasama pa rin siya sa Alyas Robin Hood 2 at ang request niya kay direk Dominic Zapata, magkaroon sila ng eksena ni Andrea. Sa Monday, August 14, na ang pilot ng action series.