OPISYAL nang ipinakilala ng United Laboratories, Inc. (UNILAB) si Ian Veneracion bilang isa sa brand ambassadors ng kompanya. Ang talentado at guwapong aktor, na kasalukuyang bida ng hit television series na A Love to Last (ALTL) ang napiling kumatawan sa produktong Conzace, ang number one prescribed brand para sa multivitamins plus minerals ng mga doctor dito sa Pilipinas.

IAN-VENERACION copy

“Isa pong karangalan na maging bahagi ng UNILAB family para sa produktong Conzace,” pahayag ni Ian. “Nagpapasalamat ako sa opportunity at naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng produktong ito sa milyun-milyong Pilipino kagaya nang kung paano ito nakatulong din sa akin.”

Ayon sa Conzace assistant product manager na si Mike Jimenez, ang pagkakapili kay Ian bilang brand ambassador ay perfect match. “Si Ian ay ang epitome ng superior immunity and good looks,” aniya.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Paliwanag ni Jimenez tungkol sa koneksiyon ng aktor at ng produkto: “Ang Conzace ay may clinically-proven ZACE formulation. Sa mga nagtataka kung ano ito, ang ZACE ay pinagsamang Zinc, Vitamins A, C, at E. Ito rin pong mga elements na ito ang dahilan kung bakit ang Conzace ay ang nangungunang multivitamin and minerals product na prescribed ng mga general practitioners at dermatologist. At gaya ng produkto, ang brand ambassador nito na si Ian ay napatunayan na rin ang kakayahan at kahusayan sa kanyang larangan.”

Nakilala si Ian noong early 90s nang lumabas bilang cute at charming na si Jeffrey Laperal, anak ni Joey de Leon sa sitcom na Joey & Son. Nagpatuloy ang kanyang showbiz career sa telebisyon at sa pelikula. Ang pinakahuling pelikula niya ay ang internationally acclaimed na Bliss at Ilawod.

Sa edad na 42, muli siyang sumikat at ngayon ay mas kilala bilang si Engr. Antonio “Anton” Noble IV sa ALTL. At siyempre, sino ang makakalimot sa kanyang pagganap bilang si Eduardo Buenavista sa 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo na muling nagpaingay sa pangalan niya.

Pero hindi lang aktor si Ian, siya ay pintor, atleta, piloto, chef, at pamilyadong tao rin na aniya’y nagagampanan niyang lahat sa tulong ng kanyang multivitamin plus minerals.

“Kailangan ko ng multivitamin plus minerals na tutulong palakasin ang immunity ko laban sa ubo at sipon. Kailangan ko din ng produkto na magpo-promote ng healthy hair and skin, lalo na at sa linya ng trabaho ko kailangan maayos at presentable parati, hindi mukhang stressed – mabuti na lang at may Conzace para magbigay sa akin ng lahat ng ito,” aniya.