Ni: Mary Ann Santiago

Hindi na humihinga ang isang pulubi, may kapansanan, nang matagpuan sa ilalim ng isang 10-tons trailer sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad 55, 5’5” ang taas, nakasuot ng puting t-shirt at gray na maong pants.

Sa ulat ni Balagtas, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng trailer na nakaparada sa Aleson Tracking compound, sa tapat ng Manila North Harbour, Road 10, Tondo, bandang 8:00 ng umaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University