SUSULONG ang aksiyon ng Shell National Youth Active Chess Championships (SNYACC) sa Mindanao sa gaganaping Northern Mindanao qualifying leg sa Agosto 12-13 sa SM City Cagayan de Oro.

Inaasahan ng organizers ng pinakamatagal na chess talent search ang malaking bilang ng mga kalahok sa lalawigan na kinikilalang isa sa may pinakamaraing player na nakilala sa sports.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakataya ang slots para sa National Finals sa Oktubre sa tatlong division, kasama ang mangungunang babae.

Bukas ang pagpapatala na isasagawa sa ‘first-come, first-served’ dahil limitado lamang sa 400 ang kalahok.. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay tournament coordinator Alex Dinoy sa mobile No. 0922-8288510. Makukuha rin ang registration forms sa https://www.shell.com.ph/shell_chess.

Sa kasalukuyan, 20 player ang pasok sa grand finals na nakatakda sa Oct. 7-8 sa SM Mall of Asia, kabilang si Francois Marie Magpily ng Gen.Pio National High School, ang kampeon sa junior division at nangunang babe sa NCR leg ng torneo na itinataguyod ng Pilipinas Shell, Shell V-Power, Shell Advance, Shell Rimula, Shell Helix, Shell Fuel Save, at Shell Card sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls.

Samantala, host ang Davao sa Southern Mindanao stage sa Sept. 2-3, habang gaganapin sa Cebu ang Visayas qualifying sa Sept. 16-17.