Ni: Marivic Awitan

NAGING ikalawang miyembro ng Barangay Ginrbra si Joe Devance na naging PBA Press Corps Player of the Week matapos ang malaking papel na kanyang ginampanan sa 110-97 panalo kontra sa dating unbeaten NLEX sa kanilang Governors’ Cup road game nitong Sabado sa Calasiao, Pangasinan.

Nagtala ang 6-foot-7 na si Devance ng 23 puntos matapos ang kanyang 9-of-11 shooting kung saan tinulungan niya ang Ginebra upang makontrol ang third period hanggang makopo ang ikatlong sunod nilang panalo sa season-ending conference.

Tinalo ni Devance ang kanyang Ginebra teammates na sina LA Tenorio, ang first PBA Press Corps Player of the Week ngayong conference at Greg Slaughter, gayundin sina San Miguel center June Mar Fajardo , Star big man Ian Sangalang, Meralco guard Chris Newsome at Blackwater playmaker Mike DiGregorio para sa weekly citation.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasalukuyan ngayong nasa solong ika-4 na puwesto ang Kings kasunod ng league-leader Meralco Bolts (4-0), Star Hotshots (3-0) at ng tinalo nilang NLEX (4-1) patungo sa weeklong break bilang pagbibigay -daan sa partisipasyon ng Gilas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.