Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Napatay ang isang umano’y dayong tulak makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Block 8, Barangay San Nicolas, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, napatay sa shootout si Jhurex Caberos, alyas “Rex”, 34, ng Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.

Bago ang madugong engkuwentro ay na-monitor ng pamunuan ng Tarlac City Police ang umano’y pagbebenta ng droga ng suspek kaya ikinasa ang buy-bust.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Matapos umanong makabili si PO1 Carlo Calaguas, bilang poseur buyer, ng plastic sachet ng hindi matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P500 ay nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksiyon at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gayunman, napatay si Caberos at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang .38 caliber revolver, isang basyo ng bala, transparent plastic sachet na may shabu, P500 marked money, at apat na bala.