Ni: Liezle Basa Iñigo

SAN NICOLAS, Pangasinan - Pansamantalang pinigil ang mahigit 100 trabahador at manggagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkumpleto sa Villa Verde Trail: Pangasinan- Nueva Viscaya road para sa kaligtasan ng mga ito kasunod ng engkuwentro ng pulisya sa New People’s Army (NPA).

Sa panayam ng Balita kay Engr. Narchito Arpilleda, administrative officer ng 3rd Engineering District Office, ang P1-bilyon proyekto ay inaasahang bubuksan sa Disyembre 2017.

Mismong ang pulisya at militar ang nakiusap na suspendihin muna ang proyekto dahil kailangan pang mai-clear ang lugar ng engkuwentro nitong Hulyo 28 sa Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan, na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng isa pa.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao