Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

MACTAN, Cebu – Naputol ang mapayapa, maayos at matagumpay na Ironman race sa Cebu nang mamatay ang 47 taong gulang na atleta sa gitna ng karera.

Nakikipagkompetensya si Eric Nadal Mediavillo sa swimming part ng triathlon nang mahimatay ito sa gitan ng 1.9-kilometer swim off sa Mactan Island, Linggo ng umaga.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Iniulat na atake sa puso ang ikinamatay ng biktima. Ito ang ikatlong atletang namatay sa Ironman simula 2009.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Isa si Mediavillo, chief engineer ng AET Ship Management at residente ng Laguna, sa mahigit 2,700 lokal at dayuhang mga atleta na lumahok sa Ironman triathlon ngayong taon.

"We are deeply saddened to confirm the death of one of our athletes following the Ironman 70.3 Philippines in Cebu...Our condolences go(es) out to the athlete’s family and friends whom we will continue to support," saad sa statement mula sa mga organizer.

Samantala, isinugod din sa ospital ang pulis na atleta, na kasapi ng Tribu Lapu-Lapu triathlon team, matapos mahimatay ilang metro ang layo mula sa finish line. Nasa maayos ng kondisyon ang pulis kahapon.

Sa kabila ng mga insidente, natapos ng matagumpay ang Ironman race, ayon sa pulisya. Ani Lapu-Lapu City Police Office Director Rommel Cabagnot, mapayapa ang kabuuan ng event.