Ni LITO T. MAÑAGO

DAHIL sa kanyang pagiging epektibong kontrabida sa Ika-6 Na Utos (I6NU), pinuputakti ng bashers at haters si Ryza Cenon. Ginagampanan niya ang papel na Georgia sa top-rating afternoon series ng GMA Network.

“Georgia na nga po ang tawag nila sa akin sa labas. Magpapalit na nga po ako ng pangalan,” pabirong sabi niya nang makapanayam namin sa presscon ng Ang Manananggal Sa Unit 23B ng Idea First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na kasali sa gaganaping 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

RYZA AT MARTIN copy

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Sa kanyang haters at bashers, maikli lang ang mensahe ni Ryza, “Dedma lang!”

Sa sobrang pagkainis sa character niya sa I6NU, tuwang-tuwa ang televiewers kapag binubugbog siya ni Gabby Concepcion at nakikipagtarayan at nakikipagsabunutan sa bidang si Sunshine Dizon.

Sa lahat ng blessings na natatanggap ni Ryza kasama na ang pagpirma niya ng limang taong kontrata sa Viva Artists Agency (VAA), lead role sa Ang Manananggal Sa Unit 23B ni Direk Prime Cruz, at successful na afternoon series, “Baclaran church lagi ang tinatakbuhan ko!”

Masaya rin si Ryza na muling nabigyan ng pagkakataong mapanood ng mas maraming moviegoers ang Manananggal Sa Unit 23B na naging official entry noong nakaraang taon sa QCinema Film Festival. Kung noon ay sa mga sinehan sa Quezon City lang ito napanood, ngayon ay sa buong Pilipinas na.

Proud din siya sa role niya bilang manananggal.

“Maganda talaga ‘yung role ko sa movie. Nu’ng nag-audition ako, naiyak ako doon sa isang scene. Walang lines, as in reactions lang. Kasi ‘yung story nu’n, dapat meron siyang boyfriend na napatay niya, kinain niya kaya natakot na uli siyang magmahal. Kaya takot siyang magmahal kay Martin (del Rosario), kaya ang ginawa niya, nagmasturbate siya,” kuwento ng former Starstruck grand winner.

Inaasahan ba niyang tatangkilikin din ito tulad ng nangyari sa QCinema na isa ito sa mga dinumog ng mga manonood?

“Ayokong mag-expect para walang masaktan. Mahirap umasa. Pero maganda naman kasi ‘yung kinalabasan nu’ng movie.

Pinaghirapan namin talaga ito. So ‘yung result doon sa QCinema, talagang masaya kami. Umaasa pa rin kami na tulad sa QCinema, ganu’n pa rin impact nito sa tao.

“Iniisip nila, horror movie ito pero hindi naman. Tungkol pa rin ito sa pag-ibig. Kung paanong na-in love ang manananggal. Sana makuha nila ‘yung message,” wika ni Ryza.